Kasambahay tepok sa Akyat-Bahay

SINUKLUBAN at napatay  sa sakal at tinangka pang sunugin ang bangkay ng isang katulong matapos limasin ng mga hinihinalang akyat-bahay ang tahanan ng isang empleyado ng PLDT sa Cainta ,Rizal.

Ang kasambahay na sinukluban ng plastic ang ulo bago sinakal ng electrical cord ng mga magnanakaw ay nakilalang si Jessa Tagnipez, 18, dalaga na nanunuluyan sa kaniyang among si Silverio Ibay Jr, 39, binata na finance head ng PLDT Makati Branch at residente ng  9 Salcedo st., Phase 7 Vista Verde, Executive Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Si Ibay Jr kasama ang kaniyang mga kaibigan ay nagtungo sa simbahan ng Antipolo City dakong 6:30 ng gabi kamakalawa at pagbalik nito sa kaniyang bahay dakong 9:00 ng gabi ay napansin agad nito na bukas ang pinto ng kaniyang bahay. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply