Kasambahay tinalupan bago tinarakan

NASA kritikal na kalagayan ang isang kasambahay na natagpuan ng amo na hubo’t hubad at burdado ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng quarters nito, sa Brgy. Pasong Buaya, Imus Cavite.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Jocelyn Saludo, 19, dalaga, kasambahay, tubong Leyte, naninilbihan sa Cornejo st., Phase 24, nasabing lugar, samantalang hindi naman nakilala ang suspek.

Sa imbestigasyon, dakong 3:00 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa isang babae na isinugod sa Prime Global Medical Center na tadtad ng saksak ang katawan.

Ayon sa amo ng biktima na si Dharel Villanueva, umalis siya sa  bahay bandang 8:00 ng gabi noong Sabado at dumalaw sa kaibigan ng pamilya sa Bacoor.

Umuwi siya sa kanilang tahanan  dakong 2:25 ng madaling araw noong Linggo at nang hindi siya pinagbuksan ng gate ay ginamit na niya ang kanyang susi at kaagad tinungo ang silid tulugan ng biktima para pagsabihan ito.

Pero laking gulat ni Villanueva nang makitang nakahandusay sa sahig ang biktima na walang saplot sa katawan at duguan kaya agad niyang binuhat at dinala sa pagamutan.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakitang sinira ang pintuan ng kuwarto at nagkagulo ang gamit ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung posibleng nagahasa ang biktima bago ito pinagnakawan. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply