Kawatan sumalakay sa lakas ng ulan

SINAMANTALA ng mga magnanakaw ang walang humpay na pag-ulan at nilimas ang laman ng isang training center sa Navotas City.

Sa ulat, dakong alas-siyete ng umaga nang madiskubre ni Rudy Salvador, vice president ng Office of Senior Citizens Affair, na nawawala ang walong kahon ng Quaker Oats na para sana sa mga matatanda.

Nawawala rin ang dalawang welding machine na nagkakahalaga ng P30,000 sa katabing kuwarto na Manpower Training Center, kung saan pumapasok ang ilang kabataan upang matutong mag-welding.

Lumalabas na sinamantala ng mga magnanakaw ang pag-ulan at sinira ang mga padlock ng mga kuwarto. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply