Kelot kritikal sa pagtatanggol sa kasamang bebot

NASA kritikal na kalagayan ang isang lalaki matapos hatawin ng bote sa ulo at pagtulungan bugbugin ng limang kapwa bisita sa binyagan nang ipagtanggol ang kasamang babae, sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa FEU hospital sanhi nang pinsala sa ulo at bugbog sa katawan si Dickroy Ramirez, 25, ng Phase 10-A, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Sherwin Bordeos, 22; Richerd Olandria, 21; Ramilo Cos, 23; Emmanuel Balbas, 20; Rodolfo Cos, 27 at Ruel Andaya, 27, pawang naninirahan sa Pag-asa, Bgy. Camarin.

Base sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, kapwa bisita ang mga suspek at biktima sa isang binyagan sa Shelterville subd., Bagumbong nang awayin nina Bordeos at Olandria ang kasamang babae ni Ramirez na si Lourdes Dilao.

Ipinagtanggol ng biktima ang kasama na ikinagalit ng mga suspek hanggang sa hatawin ng bote sa ulo ni Ramilo si Ramirez.

Pinagtulungan bugbugin ng mga suspek ang biktima na nawalan ng malay na naging dahilan upang dalhin sa nasabing pagamutan. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply