Kelot kulong sa damo

NAKAKULONG ang pitong lalaki matapos maaktuhang humihitit ng marijuana habang nag-iinuman sa Malabon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina: Paul Morillo, 20; Gilbert Morillo, 18; Sotero Claudio, 18; Alberto Cortez, 19 at Richard dela Cruz, 18, habang dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang kabataang pawang 16 anyos pa lamang.

Batay sa ulat, dakong 9:15 ng gabi nang nag-iinuman ang mga suspek sa Bernales st., Baritan, ng nasabing lungsod nang magkayayaang humitit ng marijuana.

Nang magsindi ay nangamoy na ito at isang residente ang kaagad na tumawag ng mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag pa ang mga ito nang arestuhin ng mga tanod.  Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply