Kenyan humirit sa Festival Run

HUMATAW muli ang Anak ng Kenyan sa ginanap na The Fort Running Festival ng  MLB Event Organizer Services nitong Linggo sa The Fort.

Hirap ang liyamadong banyagang si Abraham Missos na kunin ang korona sa tampok na 21-kilometrong hagaran nang gahibla lang ang lamang nito sa  Philippine Army Special Services bet na si Cresenciano Sabal ng FrontRUNNER.

Naka-isang oras, walong minuto at 19 na segundong marka ang naitala ng una,  kontra sa 1:08:23 ng huli at 1:16:37 naman ang naisumite  ng pumangatlong si Demetrio Torrid.

Nakauna sa kababaihan si Meriam Miranda sa oras nitong 1:39:16, pangalawa si Genevieve dela Pena (1:42:56) at pumangatlo si Kelly Steele (1:44:23).

Ang batang FEU na si Barcarse ang tinanghal na kampeon sa 10-kilometrong haba kapalit ang tiyempo nitong 34:27 laban sa 35:48 ng pumangalawang si Rafael Poliquit at 36:10 ng sumunod na si Nelson Eligiran. Ang babaing nauna rito ay sina Jila dela Rosa (43:09), Jennelyn Surdilla (49:01) at Vanessa Sugalan (56:18).

Hari’t Reyna sina Ben Alejandrino at Serenata Saluan  sa limang kilometrong ruta, pumangalawa sina Ramie Lacson & Carmela Sugalan at pangatlo sina Dave Gumacal at Mary Grace dela Torre.

Nagsitanggap ng Finishers Medal ang lahat ng mga indibidwal na nakatapos ng 21-kilometrong footrace, salaping gantimpala, tropeo, gift packs at iba pa. Ed Paez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply