Klitschko niyanig si Briggs!

GINULPI ni WBC heavyweight champion Vitali Klitschko (41-2, 38 KOs) si dating world champion Shannon Briggs (51-6-1, 45 KOs) sa loob ng twelve one-sided rounds sa 02 Arena sa Hamburg, Germany kahapon.

Sa first round pa lamang ay nagpakita na ng bagsik si Klitschko na yumanig kay Briggs.

Gumamit ng opensibang atake si Briggs ngunit hindi ito nakaporma sa kampeon.

Ang scores ay nauwi sa 120-107, 120-107, 120-105, pabor lahat kay Klitschko.

Samantala, si WBO junior featherweight champion Wilfredo Vazquez Jr. (20-0-1, 17 KOs) ay umiskor naman ng eleventh round TKO laban kay dating flyweight king Ivan “Choko” Hernandez (28-5-1, 17 KOs) sa kanilang sagupaan kahapon sa Silver Spurs Arena sa Kissimmee, Florida.

Nakipagsagutan pa ng sapak sa kampeon ang challenger sa mga naunang rounds ngunit hindi ito nakatagal.

Kasabay nito, si unbeaten Puerto Rican Olympian bantamweight McJoe Arroyo (6-0, 3 KOs) ay dinurog via first round KO si Israel “Filipino” Rojas (3-2, 2 KOs).

Pinadapa ni Arroyo si Rojas sa lona saka umatake nang tumayo at natapos ang laban sa oras 2:10 ng unang round. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply