Knicks pinitpit ang Nets

Pinadapa ng New York Knicks sa tulong ng 39 points ni Amare Stoudemire ang New Jersey Nets. 117-111, sa kanilang pre-season games kahapon.

Nagdagdag pa siya ng 11 rebounds at nakalikha ng 16-of-19 free throws sa 37 minutes.

Samantala, dinurog ng Detroit Pistons, 98-92, ang Washington Wizards.

Ang Pistons ay mayroon nang kartang 3-4 ngunit hindi sila masyadong makahataw ngayon.

Kasabay nito, kinuha ng New Jersey Nets sina center Brook Lopez at swingman Terrence Williams para sa susunod na season.

Ayon sa team, sapat ang kakayahan ng dalawa para matulungan nila ang grupo sa kanilang kampanya laban sa mga mababagsik na katunggali.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply