Kobe at Lebron maglalaro ng one-on-one

Tahasang sinabi ni Los Angeles Lakers star player Kobe Bryant na kaya niyang talunin si Miami superstar  Lebron James sa one-on-one game kahit natutulog siya.

Ito ang diretsahang sagot ni Kobe ng tanungin siya ng mga mamamahayag sa London, England kung kaya ba niyang talunin si Lebron sa one-on-one game.

Naniniwala naman ang mga fans na kayang  talunin ni Kobe si Lebron ng walang kahirap-hirap.

Ayon kay Bryant, talagang magaling siya sa one-on-one ball at si Lebron naman ay mas magaling sa team play dahil mahusay itong  mamasa, mag-rebound, dumepensa, sumupalpal at umagaw ng bola.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply