Korte Suprema di dapat upakan ng Malakanyang –Nograles

PINAGHIHINAY-HINAY ni Davao City Rep. Karlo Nograles ang Malakanyang sa pagbanat sa integridad ng Korte Suprema matapos maglabas ng status quo ante order sa isyu ng midnight appointees.

Ayon kay Nograles, dapat igalang ng Palasyo ang desisyon ng Kataas-taasang  Hukuman dahil ito pa rin ang final arbiter ng batas.

Sinabi ni Nograles na maaari namang umapela ang Malakanyang sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General at hindi na dapat pang idaan ang init ng ulo sa media.

Hindi pa naman aniya maituturing na pinal ang hatol ng Supreme Court dahil binibigyan pa nito ng pagkakataon ang magkahiwalay na partido na maghain ng komento at apela.

Nagbabala si Nograles na lilikha lamang ng chaos o kalituhan kung ipipilit ng Malakanyang ang panig nito kaya dapat lang magpakahinahon ang Pangulong  Aquino.

Naniniwala ang kongresista na papanigan din ng Korte Suprema ang Malakanyang kung makikita nitong may legal at constitutional basis sa ginawang pagsibak kay Bai Omera Dianalan-Lucman ng National Commission on Muslim Filipinos. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply