Kotse ng editor tinangay ng 3 carjacker

SA KABILA ng kampanya laban sa kriminalidad ay nagawa pa ring  tangayin ng tatlong kalalakihan ang sasakyan ng editor ng isang dyaryong broadsheet sa Quezon City.

Ang biktima na na dumulog sa tanggapan ng pulisya ay kinilalang si Jimmy Cantor, 49, sports editor ng Malaya, residente sa Esquibel st., San Francisco del Monte, ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, ipinupuwesto niya sa parking area ang kanyang sasakyan na Nissan X-trail, na may plakang ZAZ-122, sa harapan ng isang Mini-Stop convenience store nang biglang lumapit ang mga suspek.

Kasunod nito, walang sabi-sabi  hinataw siya ng isa sa mga suspek ng matigas na bagay sa ulo sabay puwersahang kinuha ang susi ng sasakyan.

Sa puntong iyon, kaagad na sinakyan ng mga suspek ang kotse at mabilis na pinatakbo para itakas.

Ayon sa mga pulis na nag-iimbestiga ng insidente, posibleng ang tunay na layunin ng tatlo ay ang convenience store, subalit nang makita nilang may kapansanan ang biktima kaya ito na lang ang pinagdiskitahan.

Napag-alaman pa na isang Toyota Hi-Lux din ang ninakaw sa may Araneta ave. ng dalawang armadong suspek sakay ng isang Toyota Altis noong nakaraang Huwebes. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply