Kris Aquino, Joey Marquez malamang magkabalikan

BULUNG-bulungan ang balikan blues nina Kris Aquino at Joey Marquez kahit nga super sa hindi pag-amin na hindi sila nagkabalikan, pero, kita naman ng dalawang mata nga aming tsismosang kapitbahay nang sila’y magkita.

Gravecious nga raw sa pagiging lovey dovey nga raw ang dalawa sa pagiging sweet sa isa’t isa ang mga ito.

True ba etech na nagkabalikan na sina Kris at Joey?

Pero pareho naman daw tahimik ang bawa’t kampo nina Kris at Joey hinggil sa tsismis na nagkabalikan na sila ng makita sila ng aming tsismosang kapitbahay na nagde- date.

Ayaw naman nilang mag-komento hinggil sa isyu pero bakas naman sa mga mukha nina Kris at Joey na pareho silang blooming.

May ganun?

Nang mag-guest nga sa Asar Talo si Joey hosted by Edu Manzano ay binuking si Joey ng kanyang friend na si Anjo na may posibilidad na magkabalikan sila ni K sino ba ang K na na involved dito kay Joey.

Aminin?

Wala naman komento ang mga dyunakis ni Joey kung makipagbalikan si Joey sa dati nitong gf na si Kris.

Well, kakalerka at ayaw pang umamin bandang huli ay aamin din naman sa kanilang relasyon nila itong nagkabalikan diumano na si Joey at Kris.

May ilan naman na pumabor kung magkabalikan   o nagkabalikan na itong sina Joey at Kris at wala naman daw mawawala kung sakali dahil pareho naman silang malaya na!

Well, well, well…Abangan!

SELINA SEVILLA, MAGPAPAKASAL NA SA DYOWANG TIBO

Naka-set na sa Disyembre ang kasalan nitong si Selina Sevilla na nagpasikat sa awiting Nilunok Ko Ang Lahat at Ibaon Mo.

Wala na daw makakapigil sa relasyon nina Selina at dyowa nitong tibo na pamangkin ng ni Dr. Calayan.

Nagsimula nga raw ang pag-iibigan nila ng magkita si Selina at dyowang tibo na pamangkin ni Calayan.

At nagtuloy tuloy na raw ang magandang relasyon ng dalawa at ito nga at mauuwi na sa kasalan kahit may ilang mga tutol sa kanilang relasyon, walang makakapigil sa kanilang pag-iisang dibdib sa December.

Mismong ang simbahang Katoliko ay tutol sa pinaplano nina Selina at dyowang tibo sa nalalapit nilang kasal.

Labag daw ito lalo na sa kautusan ng Dios at sa relihiyong katoliko pero kahit harangan man ng sibat ay walang sinuman ang makakahadlang sa pagmamahalan ng dalawa.

May nagsuhestiyon pa nga sa dalawa na kanilang BFF na sa abroad sila mag-isang dibdib kung saan tanggap ang pagpapakasal ng may parehong kasarian.

Para kay Selina ay this is it na at ito na ang taong mamahalin niya for life at ganun din naman ang dyowa nitong tivoli na gigil na gigil na rin na magsama na sila sa iisang bubong.

Wow, bonggacious naman ang pagmamahalan nitong sina Selina at dyowa na tibo.

Abangan!

PAULINE CHIONG, NAG ALAY NG DIMSUM SA LUNETA

Noong kasagsagan ng moon cake days ay nagbigay ng alay si Madam Pauline Chiong Liu Hong Kho sa kanyang mga kababayan na naging biktima ng hostage sa Luneta Grandstand.

Pagkatapos nga ng kanilang radio show sa DWSS 14.94khz ay nagtungo na ang sangkaterba na bisita ng programang Nagmamahal…Pauline Chiong kasama ang kanyang mga co host na sina Ricky Ursua at Andy Beltran.

Gulat naman ang lahat ng mga nasa Luneta ng araw na ‘yun dahil bumaha ng kikiam, siomai, fishball, squid ball at dumplings na siyang alay ni Madam Pauline sa kanyang kababayan na  mga HK national.

Mataimtim naman na dinasalan ni Madam Pauline ang kanyang mga HK na kababayan at kita mo naman ang pagmamahal ni Madam Pauline sa mga Pinoy sa kabila ng krisis sa pagitan ng HK at mga Pinoy.

Personal na hiningi ni Madam Pauline ang kapatawaran at patawarin na ang mga Pinoy dahil na rin sa pangyayari.

Ang alay daw na ‘yun na moon cake sa HK na kababayan ni Madam Pauline ay simbolo lang ng pagkakaisa, kapayapaan at pagmamahalan ng taga HK sa Pilipinas.

Siyempre ending ng seremonya para na naman piyesta sa paghakot na mga bumaha na mga pagkain na ikinalat ni Madam Pauline para sa mga kababayan na naging biktima at nasawing palad na mabuhay sa nasabing krisis.

Mabuhay ka, Madam Pauline! ‘Yun na!  Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply