Kris Bernal nami-miss si Aljur Abrenica

TAKOT at  nerbiyos ang nararamdaman ni Kris Bernal sa kanyang kauna-unahang pagsosolo sa isang GMA’s first original Sinenovela, ang “Koreana,” nang makausap namin sa presscon ng naturang bagong soap na mapapanood na sa Lunes, Oktubre 11 pagkatapos ng “Trudis Liit”.

Kaya humihingi siya ng suporta sa mga batikang artista na kanyang kasama.

Patutunayan daw ni Kris, kahit hindi si Aljur Abrenica ang kanyang leading man, kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Yes, hindi lang isa kundi dalawa ang leading men ni Kris sa “Koreana”, sina Starstruck season  5 second  prince Rocco Nacino  at Starstruck 5 Ultimate Male Survivor Steven Silva.

KRIS, 3 POLO SHIRTS ANG PASALUBONG KAY ALJUR

Inamin ni Kris na nami-miss niya si  Aljur. Matagal na silang hindi nagkikita pero regular ang kanilang komunikasyon thru cell phone.

Sa pagbalik ni Kris mula sa kanyang pagbabakasyon sa California, US of A. mayru’n siyang pasalubong na tatlong polo shirts (iba’t ibang kulay at design) para kay Aljur. Ibig sabihin daw “I love you”.

Gusto niyang sorpresahin si Aljur kaya  hinatid niya ito sa bahay ng actor pero si Kris ang nasorpresa dahil wala ang actor sa house nito. May ibang showbiz commitments.

KINILIG SA CRUSH NIYANG SI ROCCO

Ipinarating namin kay Kris na crush siya ni Rocco Nacino. Nagulat pero kinilig si Kris at sabay sabi, “Crush  ko rin siya”. Para kay Kris, mabait at cute si Rocco.

Samantala,  ang Sinenovela Princess na si Kris ay gumaganap na Jenna sa “Koreana”, a strong-willed and kindhearted Korean-Filipina who dreams of returning  to her roots, and reuniting with her biological family.

Ano kaya ang preparasyon ni Kris dito?

Nag-aral siya ng Korean language under a professional coach at  kumuha ng cooking lessons para maging makatotohanan ang kanyang pag-arte.

Kasama rin sa “Koreana” sina Eddie Garcia, Eula Valdez at Lotlot de Leon.  Ganu’n din sina Sab Magalona, Sylvia Sanchez, Joyce Ching, Luigi Revilla, Dinky Doo at Grace Lee.

With special participation nina Angelu de Leon at Marco Morales.

RUFFA GUTTIERREZ SUMUSUOT DIN NG MGA RECYCLE NA DAMIT

Inaabangan ang beauty ni  Ruffa Gutierrez tuwing Linggo  kung ano ang suot nitong damit sa showbiz talk show na “Paparazzi” sa TV5 kung saan isa siya sa hosts. Yes, maituturing na isa siyang fashion icon .

Katunayan, marami nang beses siyang naging cover sa Mega  (fashion magazine). Siya ang naging cover sa September issue ng Mega.

USED CLOTHING NI RUFFA IBINIBIGAY SA MGA FOUNDATION

Samantala, inamin ni Ruffa sa inyong lingkod na nagre-recycle din siya ng kanyang mga isinusuot sa TV shows.

Inamin naman nito na ginagawa niya pero hindi sa TV show o anumang guestings niya. Ginagawa lang niya ito sa ibang gatherings.

Kahit daw marami ang nage-sponsor ng damit niya (dahil nga naman sobrang mahal ang mga ito) kailangan niyang mag-recycle. Sinusuot niya ang nagamit niya after a year.

Kung saan niya dinadala ang mga mamahaling damit (branded pa, huh?!)? “Ibinibigay ko sa mga foundation!” ani Ruffa.

XIAN LIM AND JESSY MENDIOLA STAR IN A STORY ABOUT A FAKE MARRIAGE

Ngayong Sabado, mapapanood sa unang pagkakataon ang dalawang promising young stars ng Kapamilya network in an interesting story of a “marriage” gone wrong.

Isang nakakatuwang kwento sa direksyon ni Jeffrey Jeturian ang mapapanood. Kwento into ni Ana (Jessy Mendiola) at Mark (Xian Lim) na nagkakilala accidentally. Ang pagkakilalang ito ay mauuwi sa isang “kasalan” na kailangan nilang panindigan! Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply