Kusinero binurdahan ng saksak bago binaril

PINAGSASAKSAK bago binaril ang isang kitchen crew ng isang hindi  nakikilalang salarin habang ito ay nakaupo sa harapan ng restaurant na pinaglilingkuran, kamakalawa ng gabi, sa Brgy. Kaingen, Kawit Cavite.

Ayon sa ulat na natanggap ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Jeffery Magos, 33 anyos, binata, kitchen crew ng Ana Greenhouse Tapsihan at nakatira sa Tanggulan st., Brgy. Wakas 2, ng nabanggit na bayan.

Hindi naman nakilala ang salarin na mabilis na nakatakas tangay ang isang hindi pa mabatid na baril na ginamit sa pamamaslang.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Garbuel Gonzalez, dakong alas-8:35 ng gabi, ang biktima ay nakaupo at naghahantay ng gagawin.

Biglang dumating ang suspek at inundayan ng sampung saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bumagsak padapa ang biktima sa semento at bago umalis ang salarin ay binaril pa sa likod  na sinuguradong patay na ito. Isinugod sa Crisostomo Hospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply