Laban ng estado, simbahan

SA ILALIM ng Spanish Constitution of 1876, ang katolisismo ang ginawang state religion at ang mga katoliko lang ang binigyan ng karapatan na magsagawa ng pampublikong pagsamba.

Ginawa rin ang katolisismo na “established church” sa Pilipinas sa mahabang panahong kinolonisa ito ng Espanya. Kaya naman protektado ang Simbahan ng Spanish Penal Code of 1884 na pinairal sa ating bansa noon.

Sa kodigo penal na nabanggit, ay may anim na “crimes against state religion” na labis na kinatakutan ng mga “indios” (tawag noon sa mga kinawawang Pinoy) dahil  sa napakabigat na parusang naghihintay sa sinumang lumabag dito. Dito nag- umpisang sumibol ang tribu ni Fr. Damaso – ang switik, malupit at mapagsamantalang prayle sa no-bela ni Gat. Jose Rizal.

At dahil maimpluwensiya at kinakatakutan ang mga prayleng ito – na ang balita’y “eyes and ears” ng mga makapangyarihan sa Espanya, ay pinayagan at pinabayaan na lang sila ng mga itinalagang gobernador-heneral sa bansa na makisawsaw/makialam sa gawain ng pamahalaan.

Ang kalabisan nina Fr. Damaso, et al, ang nagsilbing mitsa ng unang paghihimagsik ng mga Pinoy laban sa mga kastila.

Nang magapi ng Estados Unidos ang Espanya sa “Battle of Manila Bay” ay IBINENTA ng huli sa una ang Pinas sa “Treaty of Paris.” Agad pinairal ng USA ang constitutional system nito sa Pinas, at ang unang ginawa ng mga Kano  ay ang pag-AALIS ng pribilehiyo ng Simbahan sa pagpapatakbo ng pamahalaan.

At nang binigyan tayo ng kalayaan ng mga Kano, inin-shrine na natin sa ating Saligang Batas ang separasyon ng estado at Simbahan. Yan ang tinatawag na NON-ESTABLISHMENT CLAUSE sa Art. III, Section 5 ng ating kasalukuyang Konstitusyon. At heto ang mariing pahayag ng Korte Suprema tungkol dito:

“The non-establishment clause prohibits the state from passing laws which aid one religion, aid all religions, or prefer one religion over another.” (Everson vs. Board of Education, 330 U.S. 1, 39)

At dahil nga dito ay mahig-pit ding pinagbabawalan ang bawat relihiyon na ma-kialam sa pamamalakad ng pamahalaan. Sa puntong ito kinakatigan ng Rapidfire ang posisyong tinatangkilik ng administrasyon ni P-Noy sa isyu ng RH Bill.

Ang pagpapairal ng polisiya at mga alituntunin kaugnay ng populasyon ng bansa at mga programa hinggil sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan ay maliwanag na “functions of governance” na tungkulin ng mga itinalagang pamunuan at kawani sa pamahalaan! Kapwa may punto ang Simbahan at Estado sa nagbabagang isyu ng family planning ngunit dapat pagtuunan ng pansin ang RESPETO sa pamahalaan na isinusulong mismo ng mga matitino at ‘di dispalinghadong kaanib ng Simbahan.

Oh, MARAMI sila, at sa ngayhon ay tatahi-tahimik lamang…

Oo nga’t bilang relihiyon ay may karapatan  ang Simbahan na pangaralan/adbaysan ang mga alagad at tagapanampalataya nito. Subalit dapat hanggang moral suation lamang ito , at hindi dapat humantong sa pananakot na i-e-ex-communicate ang hindi susunod sa posisyon ng Simbahan sa isyu, o ipapasulong ang civil disobedience.

Ano kaya ang gagawin ng Simbahan kung ang hindi magbabayad ng buwis, bilang pagtalima  sa panawagang civil disobedience,  ay ipakulong ng estado for tax evasion? Ang pag kolekta ng buwis, dapat nating tandaan, ay isa sa mga inherent powers of the state. (May huling yugto)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply