Aktibidades ni PNoy pinabibisto ni Miriam

IPINALALANTAD ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang lahat ng records ng ginawa ni Pangulong  Aquino bilang chief executive partikular sa nakalipas na 100 araw sa panunungkulan alinsunod sa pangako nitong transparency at accountability.

Sinabi ni Santiago na isang matibay na haligi  ng magandang pamamahala ang paglalantad ng lahat ng ginawa ng Pangulo kabilang ang desisyon, ipinatutupad na patakaran, transaksiyon, ginastos at ginagastos at deliberasyon sa lahat ng pulong.

“The Constitution mandates transparency in policy-making and in the operations of the government,” wika ni Santiago.

Iginiit pa ni Santiago na kailangan gawin ni Pangulong Aquino ang paglalantad ng kanyang records sa publiko alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa karapatan ng mamamayan sa impormasyon sa lahat ng ginawa ng Pangulo habang nanunungkulan.

“The right to information goes hand in hand with the constitutional policies of full public disclosure and honesty in the public service.  It is meant to enhance the widening role of the citizenry in governmental decision-making as well as in checking abuse in government,” paliwanag niya.

Dahil dito, naghain ng isang panukalang batas si Santiago na tinaguriang Presidential Records Act (Senate Bill No, 1528) na may layunin na magtakda ng pamamahala, kustodiya at panghihimasok sa presidential records alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas hinggil sa transparency at accountabili sa gobyerno.

Nilinaw naman ni Santiago na walang layunin ang panukala na kumpirmahin, limitahan at palawakin ang executive privilege ng Pangulo.

“The Director of the National Archives also has the duty to make the records available to the public as rapidly and completely as possible,” patapos ni Santiago. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply