Lalaki itinulak sa Manila Bay, nalunod

NAMATAY ang isang lalaki nang malunod sa tubig ng Manila Bay makaraang itulak at mapagbuntunan ng galit habang umiihi malapit sa nag-aaway na magnobya, sa Malate, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 30 hanggang 35 anyos, 5’5 hanggang 5’6 ang taas, payat, kulot ang buhok at may bigote, nakasuot ng maroon short na may stripe at puting t-shirt, may tattoo na paru-paro sa likurang bahagi ng katawan at tattoo na nakatatak ang pangalan na “Junel Lamteson”.

Tinutugis naman ng pulisya ang ‘di nakilalang suspek, 5’6 hanggang 6’ ang taas, nakasuot ng puting T-shirt at cargo short pants, katamtaman ang pangangatawan, nakasakay sa kulay itim at puting motorsiklo na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Edmundo Cabal, dakong 11:35 ng gabi nang naganap ang insidente sa sea wall ng Bay Walk at harapan ng Diamond Hotel, sa Roxas Blvd..

Nagtatalo ang suspek at girlfriend nito  nang dumaan sa harapan nila  ang biktima na lasing saka tumigil at umihi paharap sa dagat.

Nakita ng suspek kaya nilapitan  at sinabihan na  may mga babae roon sabay itinulak sa tubig. Jocelyn Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply