Lalaki nagbigti dahil sa kahirapan

NAGPATIWAKAL ang isang lalaki dahil sa hirap ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili.

Kinilala ni Supt. Bernard Tambaoan, ang namatay na si Romeo Dequian, 24, residente ng 135 Quintos st., Brgy. San Jose, Navotas City.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, ganap na 7:30 kahapon ng umaga nang makita ang katawan ng biktima na nakabitin sa loob ng tahanan nito.

Base sa salaysay  ni Lea  Aguas, live-in partner ng biktima, madalas niyang mapansin ang kinakasama na malungkot dahil sa kawalan ng pera.

Hindi umano inaasahan ni Aguas na may balak na pala itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtatali sa leeg ng isang nylon cord. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply