Lalaki nagwala nang isnabin ng tsiks

KULUNGAN ang binagsakan ng isang lalaki matapos isnabin ng babae na natipuhan nito, sa loob ng bar, sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong physical injuries, unjust vexation at estafa si Leomar Romero, 22 ng Manggahan st., Quezon City. Bukol naman ang inabot ng biktimang si Kimie Guinto, 18, ng Meycauyan, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong 10:00 ng gabi, nasa loob ng Padis Point Bar and Restaurant sa Monumento ang biktima nang lapitan ng suspek na lasing at pilit nakikipagkilala.

Inisnab ng dalaga ang suspek na ikinagalit nito hanggang sa dumampot ng bote ang huli at ibinato sa biktima.

Ilang mga tauhan ang umawat sa suspek subalit lalo itong nagwala na naging dahilan upang mawasak ang ilang gamit sa bar.

Tumawag ng mga awtoridad ang mga tauhan ng bar at hindi na nakapalag ang suspek at dinala sa presinto. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply