Lalaki nasawi sa sunog

PATAY  ang isang lalaki matapos na ma-suffocate sa makapal na usok dulot ng sumiklab na sunog na tumagal ng apat  na oras sa ikatlong palapag na gusali sa Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilala lang sa pangalang  “Deo,” na idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Ayon kay SFO2 Emmanuel Gaspar ng Manila Fire District (MFD), nasunog ang gusaling pag-aari  ng Equatorial Realty Development Inc, sa 768 Quezon Blvd., Quiapo, malapit sa C.M. Recto Ave.

Nagsimula ang sunog sa mezzanine floor  kung saan na-trap ang biktima, na isang caretaker sa naturang gusali.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na idineklarang under control ika-8:44 ng umaga.

Tinatayang may kalahating milyong piso ang halaga ng mga ari-arian na napinsala. J. Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply