Lalaki patay sa hit and run

DEAD on Arrival sa ospital ang isang lalaki makaraang mabiktima ng hit and run, sa Agham Road, Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alberto Toledo, 48, may-asawa, ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, sa naturang lungsod.

Inaalam pa rin ng mga operatiba ang pagkakakilanlan sa suspek dahil hindi nakuha ang mga numero ng plaka ng sasakyan nito matapos ang insidente.

Ayon sa ulat ni PO1 Oscar Sese, dakong alas-12:45 kahapon ng madaling araw, nang maganap ang insidente sa harapan ng Philippine Science High School, Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa.

Napag-alaman na tinatahak ng suspek ang lugar mula sa North Avenue patungong Quezon Avenue atpagsapit sa Agham ay nabundol nito ang biktima.

Tumilapon ng ilang metro si Toledo hanggang sa duguang   napahandusay sa kalsada, subalit parang walang nangyari at hindi man lang natinag ang nakabangga kung saan ay pinaharurot pa nito papalayo ang kanyang sasakyan.

Kaagad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang naghihingalong biktima ngunit makalipas ang ilan segundo ay binawian din ng buhay. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply