Lalaki patay sa huramentado

NASAWI ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kalugar nito na naghuramentado  sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Harold Angeles, 37, ng C. Molina st., Viente Reales, ng nasabing lungsod, sumuko naman sa mga tanod ang salarin na si Nestor Castillo, 38, kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagwawala ang suspek sa labas ng kanilang tahanan at nanghahabol ng saksak sa mga nakakasalubong.

Minalas ang biktima na hindi na nakaiwas sa pananaksak ng suspek na naging dahilan upang isugod ito  sa VGH.

Nang mahimasmasan ay kusang sumuko ang suspek  kung saan inaalam na ang dahilan nang pagwawala nito. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply