Lalaki tigok sa tama ng golf ball

NASAWI ang isang matandang lalaki sa Chino, California  nang tamaan ng bola ng golf sa Southern California country club.

Ayon sa San Bernardino County coroner’s office, ang biktima ay nakilalang si Hiroshi Tango, 69,  at nakatira sa Brea.

Sinabi ng pulisya na naisugod pa sa pagamutan ang biktima nang maganap ang insidente noong Oct. 7 at doon na ito binawian ng buhay.

Sa record, naglalaro noon si Tango ng golf sa Los Serranos Country Club sa Chino nang aksidenteng matamaan ng bola ang kanyang ulo.

Ayon sa coroner, ang biktima ay nakaramdam ng pananakit ng ulo at leeg kaya isinugod ito sa Loma Linda University Medical Center.

Makaraan ang siyam na araw, dahil sa injuries na tinamo sa ulo ay namatay ang biktima. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply