Lalaking di nakabayad ng kuryente itinumba

DEAD on arrival sa St. Dominic Hospital ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng pinagkakautangan nito ng pambayad sa kuryente kamakalawa ng gabi sa Brgy. Wawa III, Rosario, Cavite.

Kinilala ni Supt. Miguelito Descalzo ang biktimang si Pedro Gaspar, 40, walang hanapbuhay at nakatira sa Little Baguio ng nasabing lugar.

Mabilis namang nadakip ng pulisya ang suspek na papatakas na nakilalang si Ronaldo Mendoza, 44, kapitbahay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Jehiel Gonzales, dakong ika-10:45 ng gabi, galit na galit na kinompronta ng suspek ang biktima.

Nabatid sa pulisya, na ang biktima ay may ilang buwan nang utang sa kuryente sa suspek na umabot sa halagang P11,000.

Nang singilin ng suspek ang biktima ay walang maibayad ang huli.

Dahil dito ay agad nagbunot ng kalibre .38 na baril ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.

Kasalukuyang inihahanda ng kapulisan ng Rosario ang kasong “murder” at “violation of Omnibus Election Code Gun Ban” laban sa suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply