Lalaking kinadyot sa pedicab patay

PATAY ang isang lalaki matapos mapagtripang saksakin ng hindi nakilalang salarin kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Alwyn Cortez, residente ng 123 Osmeña st., Don Bosco, Tondo, dahil sa tinamong  tama ng saksak sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jupiter Tajonera, nangyari ang pananaksak dakong 3:30 ng madaling araw  sa harap ng Mary Johnston Hospital sa panulukan ng C.P. Garcia st. at Liwayway st., ng nasabing lungsod.

Base sa impormasyon ni Insp. Armando Macaraeg, sakay ng pedicab ang biktima kasama ang dalawang kababaihan na nakilalang sina Nerissa Bacani at Raquel Serito.

Pagbaba ng biktima sa pedicab ay bigla siyang nilapitan ng suspek at inundayan ng saksak sa dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Gayunman,  wala namang nawala sa biktima at wala ring gustong tumestigo sa insidente maliban sa ilang impormasyon na nakuha  mula sa pedicab driver na si Macky Ricardo at ilang residente sa lugar.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya. Jocelyn T. Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply