Laput vs Canillas sa Oct 30

MULING sasampa ng ring ang produkto ng American Boxing Academy na si Ramie Laput sa Oct. 30 sa Waterfront Hotel para harapin si hard hitting KO specialist Larry “Bon Jovi” Canillas.

Si Laput na may kartadang 38 wins at 4 losses na dating WBO Intercontinental champion ay sariwa pa sa pagkatalo sa kamay ni dating world title challenger Zolt Bedak ng Germany sa Viennna, Austria noong isang taon.

Gagamitin ni Laput ang laban na ito kay Canillas, 14-2 with 12 KOs, para muling makabangon.

Noong isang taon, si Laput, na tubong Davao City, ay halos ranked WBO #4 na bago nakuha ang WBO Intercontinental belt ni European champion Bedak via 7th round TKO.

Habang si Canillas naman ay sariwa pa sa 1st round KO win laban kay Filipino Prell Tupas.

Ang Laput  vs  Canillas fight ay ang unang fight sa undercard na katatampukan ng maraming talented fighters.

Sa main event, tampok dito si world rated AJ “Bazooka” Banal na haharap kay dating two time world champion Luis Perez ng Nicaragua.

Si Rey “Boom Boom” Bautista naman ay sasagupa kay Hector Avila ng Dominican Republic sa isang 12 round WBC regional title fight.

At si Mark Jason Melligen naman ay makikipagsubukan kay Baldimir Hernandez ng Mexico.

Samantala, ang isa pang young Filipino sensation na si Jason Pagara ay sasagupa kay Sapetech Sor Sakaorat ng Thailand. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply