Lasenggong guwardiya arestado

INARESTO ang isang security guard matapos ipambayad ang sariling service firearm sa isang bahay-aliwan sa Navotas City.

Ang suspek na nakakulong ay nakilalang si Joey dela Cruz Ventura, 37, binata, ng Saint Patrick Security Agency na matatagpuan sa Brgy. Tugatog, Malabon City at nakatalaga sa ELFA shipyard sa San Jose ng nasabing lungsod.

Nabawi sa suspek ang kanyang service firearm na .38 revolver na may anim na live ammo.

Nahaharap si Ventura sa kasong paglabag sa R.A. 8294 o Unlawful Possesion of Firearm and Ammunition at paglabag sa election gun ban.

Base sa imbestigasyon ni P03 Resty Castillo, ganap na alas-dos kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Jorosos Restobar, na matatagpuan sa M. Naval st., Brgy. San Jose.

Nabatid na si Ventura at mga kasamahan ay nagpunta sa naturang restobar para uminom, Matapos hingin ang kanilang chit ay napagtanto na kulang ang perang pambayad  nila. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply