Lavandia inayawan ng PSC

TINANGGIHAN umano ng Philippine Sports Commission ang request ni Southeast Asian Games Javelin Queen Erlinda Lavandia para sa financial assistance upang makalahok sa Asian Masters.

Una na niyang niyanig ang Asian Masters Track and Field Championships nang hakutin ang gold medals sa lahat ng tatlong events nang sumali sa paborito niyang javelin throw sa Hong Kong.

Naulit din niya ito sa Bangladore sa India noong 2006 habang katuwang si long jumper Elma Muros-Posadas at sila ang bumawi sa kabiguan ng athletics sa Asian level competitions.

Umaasa din si Lavandia na matutulungan sila ni world boxing champion Manny Pacquiao sa kanilang problemang pinansiyal dahil hindi niya madedepensahan ang korona kung hindi sila makakakuha ng pinansiyal na tulong. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply