LBC branch pinasok ng apat na kawatan

PINASOK at nilimas ng apat na magnanakaw ang isang LBC Padala branch na dumaan sa sinirang window-type airconditioner kamakalawa ng gabi sa M. Navat st., Navotas City.

Ganap na alas-siyete kahapon ng umaga nang magsadya sa himpilan ng pulisya si  Carmela Fermin, 23, customer assistance officer ng nasabing tindahan,  upang ipabatid sa awtoridad ang naganap na nakawan.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, tinatayang sa pagitan ng alas-tres at alas-kuwatro  ng madaling araw naganap ang nakawan. Ayon sa salaysay ni Fermin, bago sila umuwi ay kanilang ipinadlock ang pintuan ng ng establisimyento. R. Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply