Lebron nakabuena-mano sa Heat

PINAGSAMA nina LeBron James at Chris Bosh ang 38 points sa kanilang Miami preseason debuts kaya nila nadurog ang Detroit Pistons 105-89 kahapon sa preseason opener ng dalawang koponan.
Nawala naman sa panig ng Heat si Dwyane Wade sa oras na 3:17 ng laro matapos itong magkapinsala sa kanang hamstring at mula noon ay hindi na ito nakabalik sa laro.

Naghiyawan ang mga fans nang makita ang pagtutuwang ng tatlong sina Wade, James at Bosh na unang pagsalang nila bilang NBA teammates.

Si Bosh ay kumamada ng 20 points at six rebounds sa 8-of-13 shooting.

Samantala, si James naman na NBA’s two-time reigning MVP ay nagdagdag ng 18 points habang si Ben Gordon ng Detroit ay humakot ng 17 points.

Mistula namang minalas si Yao Ming ng Houston Rockets matapos matalo ang kanyang team sa unang pagsalang nila sa season kahapon 97-88.

Si Dwight Howard ay nakadale ng 19 points at 12 rebounds habang si Vince Carter ay nagdagdag ng 14 points.

Samantala, si Yao na nakalaro lamang ng 12 minuto ay hindi nakaporma.

Ang Washington Wizards naman ay giniba ang Dallas Mavericks 97-94 sa preseason opener din.

Kasabay nito, nabatid na ang Detroit Pistons umano ay ibebenta na kay Mike Ilitch na siya namang may-ari ng Detroit Tigers at Detroit Red Wings.  Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply