Local execs sa ‘jueteng’ isyu susugurin si Miriam

DADALO sa Senado ang ilang local government executives na binanggit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago  na  tumatanggap  ng payola mula sa operasyon ng “jueteng” sa bansa.

Sa ipinalabas na media advisory kahapon, sinabi ni Blue Ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona Jr., na inimbitahan ng Senado sina Pangasinan Gov. Amado Espino Jr., at Baguio City Mayor Mauricio Domogan, na kapwa binanggit ni Santiago sa kanyang expose.

Bukod sa dalawang LGU officials, inimbitahan din ng Senado si dating Interior Secretary Ronaldo Puno,  dating Pampanga Gov. Among Ed Panlilio, Rey Cachuela, dating PCSO chairman Manuel Morato at Charlie Atong Ang.

Imbitado din sa pagdinig sina Undersecretary Rico Puno ng DILG, Ferdinand Rojas, general manager ng PCSO, at Romualdo Quiñones, manager ng Special Project Department ng PCSO.

Sa panayam, sinabi ni Guingona na nakatakdang kunan ng sariling pahayag ng Senado ang lahat nang inimbitahan na siyang binanggit ni Santiago sa kanyang expose kamakailan hinggil sa malawak na operasyon ng jueteng sa bansa.

Inihayag pa ni Guingona na tatalakayin din ng komite kung paano mabibigyan ng mas matalas na ngipin ang Bureau of Internal Revenue (BIR ) upang habulin ang mga pinaghihinalaang gambling lord sa bansa tulad ni Bong Pineda.

“Nahihirapan ang BIR sa kooperasyon ng iba’t ibang ahensiya  (para habulin ang mga jueteng lords), so we can giver more teeth to the BIR that if these agencies do not  comply with the certain period of time then may pananagutan ang heads of agencies. Kasi sa ngayon binubukas bukas lang daw sila eh. Balik ka bukas, balik ka bukas for the information they need so they can do their job,” ayon kay Guingona.

Sinabi ni Guingona na sakaling maisabatas ang panukalang magpapatalas sa ngipin ng BIR, maaari nang suriin ng ahensiya ang lahat ng records ng ari-arian ng partikular na jueteng lords. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply