Lolang madasalin ninakawan sa simbahan

HINDI inakala ng isang lola na pagnanakawan siya sa loob ng simbahan sa Navotas City habang nagdarasal.

Nadakip ang suspek na si Darius Mauricio, 29, ng Gumamela st., Daanghari ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Erlinda Reyes, 64, dakong 6:30 ng gabi ay  taimtim siyang nagdarasal sa loob ng San Jose Church sa M. Naval st., Daanghari.

Nang imulat ni Reyes ang kanyang mata ay wala na ang bag niya na naglalaman ng payong at P800 cash.

Paglingon ng biktima sa pinto ng simbahan ay nakita niya ang suspek na dala ang kanyang bag at kahit hirap ang matanda ay nagmamadali itong lumabas upang habulin si Mauricio.

Nakakita ng mga traffic enforcer ang biktima na kaagad hiningan ng tulong na naging simula ng habulan.

Naabutan ng awtoridad ang suspek kaya’t agad nabawi ang mga gamit na ninakaw sa lola, subalit wala na ang pera. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply