Lotlot de Leon ayaw nang makausap ang biyenang si Pilita Corrales

KOREANA ang bagong pinagbibidahan nina Kris Bernal, Steven Silva at Rocco Nacino. During the set, pasimpleng kinausap namin si LotLot de Leon na kasama rin sa cast para hingan ng reaction sa naging pahayag ng biyenang si Pilita Corrales nang mag-guest sa Paparazzi ng TV5 kamakailan.

Nasabi kasi ni Ms. Pilita sa talk show ang naging gap nila ng kanyang manugang na si Lotlot. Nagbitiw ng pahayag ang Asia`s Queen of Songs na noong umalis si Balot (tawag kay Lotlot) sa bahay nila ni Monching ay tanda na ibinigay na nito sa husband ang kanyang parental authority over their kids, meaning ipinaubaya na niya ang lahat-lahat ng karapatan kay Ramon Christopher.

Katwiran naman ni Balot sa gustong palabasin ng biyenang si Pilita na isinuko at iniwanan na nito ang kanyang anak kay Monching ay hindi raw totoo.

“Si Monching lang ang aking iniwan, hindi ang aming mga anak. May verbal agreement kami ni Monching with regards sa custody ng aming anak.

“Malalaki na rin ang aming mga anak, the eldest is 21 years old. Naiintindihan nila ang sitwasyon at ang mga pangyayari.

“They don’t hate me. I`m always with them at nagkakausap kami. Hindi nawawala ang bonding ko sa kanila bilang isang ina,” mahabang pahayag ni Balot.

Dahil sa naging pahayag ni Ms Pilita against Balot ay hindi naitago tuloy nito ang pagkairita sa kanyang biyenan.

Dahil nasaktan na naman si Balot sa naging pahayag ng biyenan ay muling nanariwa ang sugat nito sa puso sa bagong isyu nila ngayon ng kanyang biyenan.

Matatandaang dinamdam ni Balot ang naging pahayag noon ni Ms Pilita na naghahanap siya ng lalaking mayaman na makakapagbigay sa kanya ng ginhawa.

Dahil sa bagong isyu na ibinabato sa kanya ng biyenan ay ayaw na muna niyang makita at makausap ang Asia`s Queen of Songs.

Mabuti na lang at busy si Balot sa bago niyang teleseryeng “Koreana” na idinirek ni Gil Tejada kung saan gagampanan niya ang role bilang Josefina, ang makakakuha at mag-aalaga sa batang si Jenna (Kris Bernal) at siya ang kikilalanin ina nito.

MAUI TAYLOR, NAGHUBAD NA NAMAN

Pagdating sa hubaran wala talagang takot si Maui Taylor kaya naman pumayag itong maghubad sa Comedy Bar.

Pero bago mag-isip ng masama at pag-initan ng MTRCB ang show hosted by Allan K at Eugene Domingo, ito ay parte lang ng challenge ang paghuhubad ni Maui.

Habang kumakanta kasi si Maui sa CB ay kailangan niyang maghubad. Hanggang saan ang nahubad sa kanya bago natapos ang kanyang kinakanta?

Samantalang naglaban-laban naman sa Drama-Rami ng show sina Bela Padilla, Kris Bernal at Onyok Velasco.

Si Fabio Ide naman ay nagturo ng paggawa ng herbal medicine at dalawang stand-up comedian ang magpapasaya rin sa CB.

***

Malaki pa rin ang paniniwala ni Mother Lily Monteverde na bankable pa rin hanggang ngayon si Gabby Concepcion at naniniwala na taglay pa rin nito ang charisma na hinahabol ng mga kolehiyala.

Kaya naman sa latest movie ng Regal Films, ang “White House” ay kaagad na isinama sa cast si Gabo ni Mother Lily sa role bilang isang ispiritista.

Tsika ni Gabby nang makausap namin na maraming misteryo at kakaibang pangyayari ang naganap sa shooting ng White House sa Baguio Mansion.

Siya (Gabo) at mga kasamang artist at production staff ang nakaramdam na may mga ligaw na namamahay na espiritu sa Laperal Mansion.

At tila may 3rd eye si Gabo dahil nararamdaman daw niya ang di nakikitang entities na kasama nila sa shooting.

Pagmamalaki pa ni Gabo na siguradong maraming matatakot sa White House na idinirek ni Topel Lee na aminadong takot sa multo ay mahusay na nalagyan ng kakaibang takot factor ang movie na nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa October 20. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply