LTO ‘timeout’ sa paghuli ngayong Undas

UPANG bigyang-daan ang mga mamamayan na magsisitungo sa mga sementeryo upang bisitahin ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa paggunita ng All Souls Day ay hindi muna manghuhuli ng mga pasaway na driver ang Land Transportation Office (LTO) mula Sabado (Oktubre 30) hanggang Nobyembre 2.

Ito ang sinabi kahapon ni LTO chief Virginia Torres para bigyang-daan ang publiko na magsisitungo sa iba’t ibang lugar.

Kaugnay nito inatasan ni Torres ang mga regional directors at district heads ng ahensya na ipamalas ang road safety campaign sa mga motorista para matiyak ang kaligtasan sa kalsada ng mga manlalakbay at tuloy maprotektahan ang kapakanan ng mga motorista sa lansangan.

Pinaalalahanan din ng LTO chief ang mga motorista na tiyaking roadworthy ang mga sasakyan bago magtungo sa kani-kanilang destinasyon at makaiwas sa sakuna at matinding trapiko. Santi  Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply