LTO chief nagbabala

NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para makalibre ng sakay sa mga pampasaherong sasakyan at huli ng law enforcers.

Ang hakbang ay ginawa ni Torres nang iulat sa kanya ng isa sa mga tauhan na isang trucking company ang hawak ang kanyang calling card at nagpilit na malibre sa huli.

Binigyang-diin ni Torres na wala siyang naipapamahaging calling cards dahil hindi siya nagpagawa dahil nga sa hinalang baka gamitin ng ilan ang kanyang pangalan.

“Wala akong inisyung calling card kahit kanino, wala naman akong pinagawang calling cards at hindi ako nag-isyu ng anumang sulat para sa libreng sakay at libreng huli ng aking mga tauhan” paliwanag ni Torres.

Pinaalalalahan din ni Torres ang mga driver at konduktor ng mga pampasaherong bus na isnabin ang sinumang gagamit ng kanyang pangalan para sa libreng sakay .

“Inaalam ko nga kung sino yung nagpagawa ng calling card ko na nagpapalibre sa sakay at huli, hindi maaari yan saken,” dagdag ni Torres.

Kahapon ay nagsagawang muli ng operasyon ang lady enforcers ng LTO main office at NCR office sa Quezon City kung saan mahigit 70 pasaway na drivers ang nahuli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply