Lumabas at bumoto po tayo – PNoy

PINAALALAHAN ni Pangulong  Aquino ang taumbayan na lumabas at makiisa sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayon.

Para sa Punong Ehekutibo, mahalaga ang boto kaugnay sa kahalagahan ng boto.

“Inaanyayahan ko po ang lahat na makilahok sa darating na Barangay Elections. Isa itong mahalagang pagkakataon upang mapalakas natin ang ating mga barangay, ang sangay ng pamahalaan na unang nakakapagbigay-serbisyo sa ating mga mamamayan,” ang pahayag ng Pangulo sa isang kalatas.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na bumoto ayon sa kanilang konsensiya at huwag tangkilikin ang mga kandidatong bumibili ng boto.

Ayon kay  Comelec Legal Department chief, Atty. Ferdinand Rafanan, na dapat huwag ng iboto ng taumbayan ang mga kandidatong mismong lumalabag sa batas. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply