Mag-ina patay sa motorsiklo

Nasawi ang mag-ina nang malasog ang katawan matapos makaladkad nang sampung metro ng isang trailer truck makaraang mabundol ang sinasakyan nilang motorsiklo, kahapon ng madaling araw, sa Makati City.

Kinilala lamang ang mga biktima sa alyas Evelyn, waitress, nasa pagitan ng 20 hanggang 30 taon gulang at anak na si Alona, dalawang taong gulang, kapwa residente ng C-5 Road, Taguig City, matapos na halos magkadurog-durog ang mga katawan habang nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Makati si Jose Villanueva, Jr., 38, tricycle driver at nakatira sa 3703 Gabong st., Pinagkaisahan, Makati City, na nagmamaneho nang binundol na motorsiklo.

Sa ginawang imbestigasyon ni SPO2 Christopher Millares ng Station Traffic Enforcement Unit ng Makati police, naganap ang madugong insidente dakong 4:00 ng madaling araw sa kahabaan ng C-5 Road malapit sa Kalayaan Avenue Intersection, sa Brgy. East Rembo, sa naturang lungsod.

Tinatahak ni Villanueva ang C-5 Road mula sa direksiyon ng Taguig patungong Pasig habang nakaangkas sa minamanehong Suzuki motorcycle, na may plakang TY-2114 ang mag-ina nang bundulin sila ng isang rumaragasang trailer truck na may plakang ZHR-539 na minamaneho ni Luis Pajaren, 53, ng 17 JP Rizal st., B-104, Lot 13, Brgy. Rizal. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply