Mag-inang Annabelle at Ruffa, pinabaunan ang natalong manok sa Star Factor

SA Twitter account ni Annabelle Rama, nasabi nito na mahal naman daw niya ang show na Star Factor at naawa lang siya sa kanyang “manok” na contestant na si Gabo nang matanggal kaya siya nag-walk-out.

Sa nakaraang taping ng reality artista search ng TV5 nagkaroon ng moment sina Gabo at Annabelle dahil nasa audience ang bagets.

Nabasa rin namin sa tweet ni Bisaya na sa awa niya sa kanyang paboritong contestant ay binigyan niya ito ng P20 thousand habang ang anak naman niyang si Ruffa Gutierrez na host ng “SF” ay nagbigay din ng P10 thousand.

Awang-awa raw si Annabelle sa bagets dahil huminto pa ito sa pag-aaral para lang sumali sa Star Factor pero natanggal at hindi na nakasama sa Top 12.

Pinayuhan daw nila ni Ruffa si Gabo na bumalik sa pag-aaral at iwasan ang droga.

Anyway, ngayon natanggal na ang manok ni Annabelle sa reality artista search ng TV5, sino naman kaya ang magiging bago niyang paborito sa natitirang 12 Hopeful na tinawag na 12 Shining Star na sina Christine Serrano, Eula Caballero, Christian Samson, Jazz Ocampo, Kevin Francisco, John Uy, Miguel Estenzo, Krissha Viaje, Morisette Amon, Rico dela Paz, Ritz Azul at Nikita McElroy.

Nahimasmasan na si Bisaya kaya balik paghuhurado na siya sa Star Factor. Last Sunday ay sumipot na ito para ipagpatuloy ang pagpili ng tatanghaling kauna-unahang Star Factor winner ng TV5.

Matapos kasing mag-walkout ni Annabelle last Sunday sa show dahil natsugi ang contestant na si Gabo na feeling ni Bisaya ay may karapatan manatili sa contest ay tila ayaw na raw nitong magbalik as hurado sa Star Factor.

Tsika pa nakarating sa amin ay nagpunta ito ng Singapore para magpalipas ng sama ng loob.

May tsika pang ayaw na raw ni Bisaya makasama ang ilan sa  mga kasama niyang hurado sa Star Factor?

Samantalang ipinagdiinan naman ni Direk Audie Gemora nang makatsikahan namin sa Hard Rock Café nang ipakilala ang natitirang 12 Shining Star ng Star Factor na hindi naman daw pagwo-walk-out ang ginawa ni Annabelle Rama.

Feeling ni Direk Audie na siyang chairman sa limang hurado sa Star Factor nadismaya lang si Annabelle kaya ito tumayo para magpalipas ng sama ng loob.

KRIS BERNAL, ROCCO NACINO CRUSH ANG ISA’T ISA

Nakatsikahan namin si Rocco Nacino isa sa leading man ni Kris Bernal sa “Koreana” kung ano ang reaction niya na lahat ng makasama niyang actress sa TV ay crush niya?

“Hindi naman po porke crush na ninyo ang isang actress ay gusto na ninyo itong pormahan.
Humahanga lang po ako sa kanila at walang malisya yun,” say ni Rocco.

Sa pagtatambal nila kasi ni Kris Bernal sa “Koreana” ay muli niyang sinabi na crush niya ito.
Magmula pa raw noong Starstruck Ultimate Survivor nang makita niya si Kris ay talagang nahulog na raw ang loob niya sa dalaga.

At nagulat nang iparating namin sa kanya na sinabi sa amin ni Kris na crush din siya ng ex-girlfriend ni Aljur Abrenica at hindi makapaniwala na crush din daw siya ni Kris

Anyway, kinausap naman daw niya si Aljur para humingi ng tips kung ano ang gagawin niyang pakikisama kay Kris?

Ibinilin daw kay Rocco ni Aljur na dapat alam na nito ang script na gagawin sa eksena kapag dumating sa taping dahil si Kris daw ay laging handa sa tuwing dumarating ng taping.

***

Hindi itinanggi ni Kris Bernal na madalas pa rin silang mag-usap sa phone ni Aljur Abrenica at kung pagbabasehan ang mga ipinagtapat niya sa amin ay walang duda na mag-on pa rin ang dalawa.

Bukod kasi sa madalas silang magtawagan sa phone ay ibinili pa niya ng Polo shirt si Aljur sa Tate nang magbakasyon si Kris kasama ang magulang sa Tate ng isang buwan.

“Tatlong Polo  ang ibinili ko sa kanya (meaning ay I love you, di ba), Dinala ko sa bahay nila pero wala siya (Aljur) nasa taping raw. Gusto ko kasi ako mismo ang magbibigay sa kanya ng pasalubong ko sa kanya,” say ni Kris na super ganda ngayon.

Ayon pa kay Kris, miss na miss na niya si Aljur at oras na makita ay yayakapin daw niya ito.

Anyway, nawala nga sa kanya si Aljur as her leading man sa TV ay dalawa naman ang naging kapalit, sina Steven Silva at Rocco Nacino ang magiging kapartner niya sa “Koreana.”

Pang-masa ang istorya at sigurado kami na magugustuhan ito ng mga Pinoy viewers. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply