Mag-ingat sa mga pagkaing kalye — DOH

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga pagkaing kalye sa loob at labas ng sementeryo kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Patay.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, makabubuting magdala na lamang ng sariling pagkain at tubig upang makaiwas sa mga posibleng sakit na makukuha mula sa mga kontaminadong pagkaing kalye.  Ilan dito ay ang binalatang berdeng mangga, hotdog, juice, gulaman at sago, barbecue, squid balls, fish balls.  Posibleng nakalantad ito sa alikabok at iba pang organismo na nakapagdudulot ng sakit.

Ilan din sa mga sakit na pwedeng makuha mula sa mga kontaminadong pagkain ay ang pagtatae, hepatitis, kolera, maging ang pagkalason at iba pang gaya nito.

Kung makararanas ng mga sintomas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina, makabubuting pumunta na agad sa pinakamalapit na
hospital o health center para maagapan ang nararamdaman.

Ipinapayo din ng kalihim para maging maaayos ang paggunita at pagdalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay sa sementaryo na “It would be better not to bring along babies and small children to memorial parks, as they are vulnerable to contracting diseases due to heat and congestion.”

Kasabay nito, itinalaga din ng DOH sa buong bansa ang ‘Code White Alert’ sa lahat ng  DOH-retained hospitals at Centers for Health
Development para sa mga di-inaasahang pangyayari o aksidente sa panahon ng  All Saints’ Day at All Souls’ Day.

“A Code White Alert is declared when there is a mass gathering or national event,” pahayag pa ni Sec. Ona.

Handa aniya ang  medical teams para kumilos kapag may maramihang insidente o  hiniling ng local government units.

Ipinaliwanag ni Ona na ang Code White Alert ay nangangahulugang kahandaan ng  hospital manpower gaya ng general at orthopedic surgeons, anesthesiologists, internists, operating room nurses, opthalmologists, and otorhinolaryngologists.

Sa panahon din aniya ng Code White Alert, emergency service, nursing at administrative personnel na namamalagi sa hospital dormitory ay itatalaga sa ‘on-call’ status para sa mga dagliang ak-syon o pagtugon sa panahon ng ‘emergency.’

Ipinaliwanag pa ng kalihim na  ang Health Emergency Management Staff (HEMS) operations center ay nasa ‘active surveillance’ ngayong araw, Nobyembre 1-2, para imonitor ang anumang emergency na may kaugna-yan sa pangkalusugan.

Nakipag-ugnayan din ang DOH  sa iba pang ‘responding agencies’ gaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), Metro Manila Development
Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), and local health units para sa ‘assistance’.

Nilinaw naman ni HEMS Director Dr. Carmencita Banatin na maaaring i-report ang anumang mga insidenteng may kaugnayan sa pangkalusugan sa pa-mamagitan ng kanilang hotlines at 711-1001 o 711-1002.

Umapela din si Sec. Ona sa transport owners na magtalaga pa ng maraming mga bus  upang maihatid ng maayos ang mga taong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at ma-iwasan ang ‘overcrowding’ at ‘overloading’ ng mga pasahero na ka-dalasang sanhi ng mga aksidente.

Ano nga bang mayroon ang streetfoods? (ito ay inilathala ng isang blogger sa blogspot. com) Patok na patok sa mga Pinoy, lalo na sa mga kabataan ang pagkain ng mga ‘street foods’ kaya naman naisipan ng mga mananaliksik na talakayin ang mga ito. Dahil sa kalye ito ibinebenta, nalalagyan na ito ng mga dumi na galing sa polusyon at sa mga insektong dumarapo dito. Kaya naman pagdidiinan ng pansin ng mga mana-naliksik ang mga pwedeng maging epekto ng pagkain ng mga ito at ang maling pamamaraan ng paghahanda nito.

Kung ang street- food sa ibang bansa ay hotdogs, burgers, dimsum, at fries, ibahin mo ang dito sa Pilipinas. Usong-uso ang mga fishballs, kwek-kwek, kikiam, etc. lalo na sa mga taong nasa middle to lower class ng populasyon. Mas maganda siguro kung gagawin natin yang, “Astig ang sikmura ng Pinoy.” Hindi ko rin alam bakit patok na patok sa mga Pinoy ang ganito. Ako mismo na nursing student ay parokyano ng  anitong pagkain. Kahit alam ko pa kung anu-anong bacteria ang makukuha ko rito, nakakalimutan ko sila lahat pagdampot ko sa magical barbecue stick that will someday make me sick(rhyme!).

Ikaw? Sa palagay mo? Saan ba kinukuha ng street food ang kanyang irresistibility?

Sa magical barbecue stick which you make tusok-tusok onto the fishball?

Sa orange food coloring na hindi mo alam bakit hindi na lang na-ging blue? Or yellow?

Sa sukang manilaw-nilaw na at may paswimming-swimming na langaw?

Dahil ito ay murang pantawid gutom kasabay ng pagtitipid para lang may maipang-Ragnarok ka?

Bilang isang nursing student, isa sa mga pangunahing tungkulin namin para sa aming komunidad ay ang health promotion o ang turuan kayo ng mga paraan para makaiwas sa sakit at magkaroon ng better lifestyle. Pero sa pagkakataon na ‘to ay kalimutan muna natin yun dahil ipapakilala ko sa inyo (sa mga hindi nakakaalam) ang iba’t ibang masasarap na street food na pwede ninyong makita sa inyong mga kalsada.

Fishball, squidball – Ito yung mga puting bilog which you make tusok-tusok onto. Pag marami-raming tao e pwede kang magpasobra ng sa bilang mo para makalibre ka. Well, konsensya mo na lang yun pag nagtaka ang tindero bakit hindi siya yumayaman sa pagpi-pisbol. Fishballs sold for 50c. Squidballs for P2.00.

Kwek-kwek – or quail eggs kung soshal ka. Itlog na binalutan pa ng itlog(battered). Sa sobrang pagiging itlog niya e bente anyos ka pa lang bumabara na ng cholesterol ang ugat ugat mo. Sold for P5-7/stick.

Kikiam – hindi lang sa Chowking meron nito. Sa kalsada rin! Ranges from P1-2.

One day old – mga orange na itlog na katakyut-takyut. One day old ang tawag sa kanila pero pag nalasahan mo parang one week old nang nilalako. P5.00.

Laman-loob ng baka on a stick – sosyal ka dahil galing ito sa beef. Pero wala talagang beef dahil puro taba at laman-loob lang ito. P2-3. At ang kinatatakutan ng lahat!

One day old chick a.k.a. HALIMAW – Fried sisiw in an orange coloring. Crispy. Pinakamalutong pagkagat mo sa bungo nung sisiw KRRRRKKKK!!! Ummm.. sarap!!

At dahil nandito na rin ako ay magpapakanurse na rin ako.

Hazards of street-food eating:

Alalahanin na ang iba sa mga street food ay hinahayaang nakatiwangwang lang sa kalsada at sari-saring pollution at microorganisms na ang nasagap nito.

May posibilidad na makakuha ka ng E.coli sa fishballs, kikiam, squidballs dahil processed ang mga ito.

Halos lahat sa mga microorganisms sa mga to ay namamatay rin sa mainit na mantika. Pero wala ka pa ring katakas sa magical sauce nila.

Nakasisiguro akong milyun-milyong microorganisms na ang nasa mga sauce nila dahil iba’t ibang tao na ang “sumawsaw” dito. Kaya mas magandang magfishball sa umaga kaysa sa gabi dahil ikaw ang bwena-manong sasawsaw.

Ang iba sa mga tindero ay walang alam sa food sanitation and proper handling.

Kaya sa susunod na mag-streetfood ka, lagi mong tandaan. EAT AT YOUR OWN RISK!! Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply