Mag-tween hearts nawawala sa dilim; pumupuslit ‘pag tulog ang parents

MAG-TWEEN HEARTS na ba itong  dalawang  cast ng isang youth oriented show  sa isang higanteng tv network? Lagi raw nawawala sa taping ng kanilang show at pumupunta sa dilim.

Itinataon daw ng dalawa na tulog ang kani-kanilang magulang sa tuwing eeskapo ang mga ito at mawawalang parang bula sa kadiliman ng gabi pag breaktime ng  taping ng kanilang show

Ang nakakaloka,  hindi naman sila ang magka-loveteam. May kanya-kanya silang kapareha sa show. Ang akala daw ng  dalawang bagets ay hindi sila mabubuko dahil walang nakakakita sa kanila, ang hindi alam ng mga ito ay laging nakabantay ang mga mata ng ibang mga magulang at staff everytime na mawawala sila sa set.

Ang ending, usap-usapan ang mga ito ng mga magulang ng ibang bagets stars na nandoon at maging ang mga staff.

Tsika nga ng aming source na ano daw kaya ang ginagawa ng dalawang bagets sa kadiliman ng gabi sa tuwing sila`y mawawala? A. Nagtatagu-taguan? B. Naghahabulan? C. Naggo-ghost hunting    D. Nagtatalamitan. (none of the above—ED)

Hindi naman endless love ng bagets na ito ang girl dahil iniwan na siya ng babaeng nali-link sa kanya dati.

Ang magandang girl  naman ay dating taga-ibang istasyon na nag ober da bakod  at kasama sa show ng mga bagets.
‘Yun na!

-0o0-

Masuwerte si Tom Rodriguez dahil may kalayaan siya to work both for ABS-CBN 2 at sa TV5.

Kasama nga si Tom sa soap opera ng TV5, ang My Driver Sweet Lover na pinagbibidahan nina JC de Vera at Danita Paner.

“In a way parang nagpi-freelance ako between ABS and 5.

“Sa ngayon ‘yung contract ko for one year [sa Star Magic], I think mag-e-end and we’re talking about renewing it.  “May option ako to renew for another year, I’ll be talking to tito Boy (Abunda, his manager), I’ll be talking to Mr. M (Johnny Manahan) din.

“With Star Magic naman I’m very thankful that they accepted this offer [MyDSL], that I was given my very first soap na ano, first soap na parte ako, very thankful ako.

“First primetime soap na naisali ako so I’m glad, na regular ang project.”

Tom’s lovelife…“’Yun nga lang, iyon ang nakakalimutan! Wala halos time. Madalas alas-ocho na ng umaga ako natatapos, so matutulog na lang then, trabaho na ulit.”

Kailan siya huling nagka-girlfriend?

“Siguro before, me and Ces parang tried din. Kino-court ko siya parang niligawan ko siya dati.

Ang tinutukoy niya ay ang kasamahan niya sa Pinoy Big Brother na si Princess Manzon.

“Tinry ko siya niligawan pero may point rin naman siya na, ‘Bakit liligawan mo ako e hindi nga tayo nagkikita?’  “Dahil nga sa trabaho.

“We’re so very close pero may point nga naman siya ba bakit ite- take one step further kung bihira lang kami magkita.”

Pano niya nakakaya na walang lovelife.

“’Yung trabaho! E hindi mo mapi-feel dahil sa trabaho kasi ang kalaban ko ngayon is homesickness e, kesa sa lovelife. ‘Yung lovelife, matitiis mo kasi alam mong dadating. E ‘yung homesickness ang hindi mo matiis kasi mahal mo na ‘yun. ‘Yung lovelife, mamahalin mo pa lang.”        Kailan ba siya huli nagka-GF?

“Siguro before tinry ko ligawan si Princess, ‘yung sobrang seryoso, sa States pa. Sa States pa ako huli nagkaroon ng seryoso na girlfriend and after nu’n wala e, just dating-dating.”

Kinakaya naman raw ni Tom…

“You find time naman to see people, to see ano like casually dating, ganu’n. Kung merong oras pero sa ngayon exclusive like me and Ces, we still try to go out kung may time kami, lalabas kami, manonood ng sine, magdi-dinner.

So meron silang MU o mutual understanding. “Oo parang ganu’n. Kasi ‘yun nga ‘yung point niya na mahirap i- take to the next level din naman kasi sabi niya a traditional boyfriend-girlfriend get to find time for each other, make time for each other. Pero kung hindi dahil sa trabaho, unfair sa dalawang parties na ganoon.

“So sa ngayon kuntento na ako na I have someone na parang you have someone special pero at the same time you have enough time and energy na ibubuhos mo ‘yung sarili mo sa trabaho mo,” aniya.

Tsuk!

-0o0-

Pangalawang  proyekto  ni Keempee de Leon sa TV5 ang My Driver Sweet Lover; ang una ay ang ‘Lady Dada.’

“Hindi naman ako exclusive contract artist ng GMA, kumbaga ibinigay sa akin ang Lady Dada 3-4 months ago. Tinanong muna ako ni tita Edlyn (Production Unit Manager of TV5) kung may ginagawa ako sa 7.

“Sabi ko e wala pa, na after nu’ng Full House, ‘yung kay Richard (Gutierrez) tsaka kay Heart (Evangelista) that was five months, six months ago.

“Sabi niya (Ms. Edlyn), ‘Okay ba sa ‘yo na gumawa ka sa 5?’ “Sabi ko,

‘Okay lang, e kayo na lang ni tita Malou (Choa-Fagar) ang mag-usap, ang manager ko.

“So okay naman naging maayos naman ‘yung usapan e, nagpaalam naman ako kay Ms. Bang Arespacochaga ng channel 7, one of the PMs there.

“So nag-Eat Bulaga muna ako, I mean nag-regular ulit ako sa Eat Bulaga then dumating nga ‘yung channel 5 so okay naman. “Hindi naman ako nawala sa Eat Bulaga, actually mga twice a week lang ako e, Wednesday, Saturday, tapos ngayon naging daily na ulit ako.”

Sa MYDSL, gumaganap si Keempee bilang si Von, na bestfriend ni Gabrielle played by Danita Paner, na leading lady ni JC de Vera na gumaganap naman bilang si Rocky.

Bading na naman siya. Hindi ba siya nagsasawa sa gay role?

“Hindi, iba naman sa Lady Dada, drag queen ako du’n, dito fashion designer, hindi drag, na best friend ni Danita, na sosyal,” tugon ni Keempee.

“Kasi si Tita Edlyn before i-offer sa akin itong MYDSL, nu’ng Lady Dada pa lang tinanong niya ako, nagpi-preview siya kung ano ‘yung mga dapat suot ganu’n, so nakiupo lang ako kasi breaktime namin (sa Lady Dada taping) sabi niya, ‘O baka ipasok ka namin dito sa show ni Danita Paner, kasi kailangan niya ng best friend.’

“And ‘yun kumbaga all-star cast ito pero kailangan niya ng medyo senior na artist na kumbaga pang-comic relief ba, para may kabatuhan siya.

“So hindi naman ako nagdalawang-isip tapos sabi niya (Ms. Edlyn),

‘Kaso gay role ulit ito.’

“Sabi ko whatever it takes I mean if that’s work, trabaho ‘yung lumalapit sa akin hindi ko naman kailangang tanggihan kasi grasya ‘yun so okay lang walang problema.

“Pero nagsabi rin naman ako kay tita Edlyn sabi ko, ‘Tita Eds if ever may next project gutso ko, ano naman ako, mag-kontrabida.  “Tapos nagbigay ako ng isang character na gusto ko sabi niya ‘Sige, sige ayusin natin ‘yan. Sabihin natin.’

“Para maiba naman mapahinga naman tayo du’n sa pagkaka-ano sa (gay roles).”

Mapapanood simula October 25, mula Lunes hanggang Biyernes, ang My Driver Sweet Lover ay nagtatampok rin kina JC De Vera, Danita Paner at Arci Muñoz. Ito ay sa direksyon nina Eric Quizon and Soxie Topacio. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply