Magsasaka niratrat sa kubo

PATAY na nang matagpuan kamakalawa ng gabi ang isang magsasaka sa loob ng kubo nito na tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan sa Brgy. Pinagtipunan, General Trias, Cavite.

Sa ulat na natanggap ni Cavite Provincial Director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Victor Villar, alyas Bay, 51, magsasaka, tubong Leyte at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Hindi naman nakilala ang suspek matapos pagbabarilin ang biktima na mabilis na nakatakbo tangay ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jesse Soriano, dakong 11:20 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya hinggil sa  barilang nagaganap sa nabanggit na kubo.

Kaagad na pumunta ang mga awtoridad sa lugar at dito ay natagpuan ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo at may mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.  Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply