Mahistrado sa CA sinupalpal ng SC

IBINASURA  ng Supreme Court (SC) ang panawagan ng isang Court of Appeals (CA) justice na dapat siyang maituring na most senior justice sa CA.

Sinabi ni SC Chief Justice Renato Corona na nagkamali si CA Associate Justice Nina Antonio Valenzuela sa kanyang paghahabol na maideklarang most senior justice ng CA.

Iginiit ni Corona na hindi ang transmittal letter ang pinagbabatayan ng seniority sa mga itinatalagang mahistrado kundi kung kailan napirmahan ng appointing authority ang kanyang appointment.

Una ng pumalag sina CA Justices Myrna Fernandez, Eduardo Peralta at Ramon Paul Hernando sa pagpupumilit na maging senior justice sa kanilang grupo si Valenzuela dahil mas nauna umanong napirmahan ang kanyang transmittal letter batay sa petsa na nakalagay sa kanyang papeles.

Ang pagiging most senior justice ay isa sa pinagbabatayan ng appointing authority sa pagpili ng kandidato sa pagiging mahistrado ng korte suprema.  Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply