Makalumang ensayo, sikreto ni Margarito

Upang lalong palakasin ang suntok at pabilisin ang kilos, ginaya ng kampo ni Antonio Margarito ang ensayo niya sa pelikula ni Sylvester Stallone na “Rocky” bilang paghahanda sa nalalapit niyang pakikipagpalitan ng suntok kay pound for pound king Manny Pacman Pacquiao sa Nobyembre 14.

Ayon kay Margarito, matinding estratehiya na gugulantang kay Pacman ang kanilang inihanda upang hiyain niya ang kasalukuyang WBO welterweight champion na si Pacman.

Ayon sa ulat, kabilang sa ilang pinag-aaralan ni Margarito ay ang kanyang counter-body shots na siyang inaasahan nilang pipigil kay Pacman.

Pati ang posibilidad na mailagay sa corner ang pound-for-pound king para hindi maka-counter
attack ay pinaplantsa na rin ng kampo ng Mexican-American boxer.

Kabilang din sa mga dagdag sa training ni Margarito ay ang pagputol ng malalaking kahoy gaya ng ginagawa ni Sylvester Stallone sa pelikulang “Rocky IV” at ang pagtakbo sa malamig na bahagi ng Russian outlands.

Sa Oxnard, California ginugugol ng “Tijuana Tornado” ang kanyang dibdibang training.

Gagawin ang Pacquiao-Margarito fight sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Dallas, Texas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply