Makati gas leak magiging bulkan

PINANGANGAMBAHAN na maaaring sumabog anumang oras ang gas leak na sinasabing may siyento porsiyentong explosive level sa West Tower Condominium sa Barangay Bangkal, Makati City.

Dahil dito patuloy  ang ginagawang paghuhukay ng First Philippine Industrial Corp. (FPIC) sa mga tubo upang matukoy ang  gas leak

Sinimulan ang paghuhukay, dakong alas-dos ng madaling araw sa Osmeña Highway base  sa kautusan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Makati para malaman ang pinagmumulan ng tagas sa petrolyo na pinagdadaluyan ng gas sa Shell Chevron patungong oil depot sa Pandacan, Manila.

Ikinalaarma naman ng pamahalaang lokal ng Makati na may panibagong tagas ng petrolyo na nadiskubre ng mga eksperto sa hukay malapit sa condominium.

Ayon sa National Institute of Geological Sciences, ito ay pure petroleum product gaya ng natagpuan sa basement ng West Tower condo at mayroon itong 100 porsiyentong explosivity level na nangangahulugang maaari itong sumabog.

Napag-alaman na ang pure petroleum product ay nadiskubre dakong alas-tres kamakalawa ng hapon, gaya ng natagpuan sa basement ng West Tower condo.

Kahapon, habang nagsasagawa ng paghuhukay, biglang bumulwak ang petrolyo sa isang bore hole kaya agad na tinabunan ng buhangin upang hindi ito kumalat at lumikha ng masangsang na amoy. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply