MakiLiNgap

RAINFOREST BIODIVERSITY DIORAMA. Pinangunahan nina (mula sa kaliwa) Dr. Jose Sargento, Director, UP Makiling Center for Mountain Resources;  Mr. Rodrigo U. Fuentes, Executive Director, Asian Center for Biodiversity; Dr. Rex Victor Cruz, dean, College of Forestry and Natural Resources;  Ms. Jocelyn ‘Jojo’  Pineda, Area Manager, Community Care, Smart  Communications; Mr. Roberto P. Cereno, Deputy Director and Project Leader, Makiling Center for Mountain Ecosystems; ang pormal na paglulunsad ng Diorama na lumalarawan sa mga samutsaring buhay (biodiversity) sa Mt. Makiling na dapat alagaan at panatilihin para sa mga susunod na henerasyon. Bingo Pasatiempo

NANAWAGAN ang pamunuan ng Makiling Center for Mountain Ecosystem (MCME) na protektahan at ipreserba ang Mt. Makiling Forest Reserved (MFR) sa Los Banos, Laguna para masilayan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

Idineklara ng Department of Tourism (DOT) ang Mt. Makiling bilang ika-13 pinakamagandang pasyalan sa bansa.

Ayon kay Dr. Jose O. Sargento, MCME Director, nagsisilbi ang MCME  bilang ‘critical watershed’ na nagsususuplay ng malinis na tubig sa milyung mga tahanan at mga industriya sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna bukod sa pagiging ‘scientific resources’ at ‘educational outdoor laboratory’ nito.

Bilang bahagi ng ginanap na Biodiversity seminar sa pangunguna ng Philippine Science Journalists Association (PsciJourn) sa SEARCA, UP Los Banos (UPLB), umapila sa media si G. Roberto P. Cereno, MCME Deputy Director, na tulungan silang kalampagin ang mga malalaking industriya na matagal nang nakikinabang sa mga biyaya ng bundok Makiling gayundin sa mga indibiduwal na mapanatili ang ganda n gating kalikasan.

“Nasasakal na ang Mt. Makiling.  Nandito sa banding paanan ng bundok ang squatters, malalaking industriya, subdivisions at iba pang nakasisira sa mga natural na yaman ng bundok.”

MAKILING CENTENNIAL

Ipagdiriwang sa Nobyembre 21, 2010 ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng MFR at ika-50 anibersaryo ng pagkakalipat ng pangangalaga at administrasyon nito sa UPLB.

Sa bisa ng Proclamation 106 noong Nobyembre 21, 1910, unang idineklara bilang ‘forest reservation and national park’ sa pamamagitan ni American Governor-General W. Cameron Forbes.

“And in 1960 by virtue of Proclamation 692 by Pres. Carlos Garcia, the forest reserved was conveyed to the University by the Commission on Parks and Wildlife and the Bureau of Forestry to support the former’s three-fold functions of instruction, research and extention,” ani Cereno.

MakiLingap

Kasabay ng pagdiriwang ng centennial year ng Mt. Makiling, inilunsad ang MakiLingap Project o ang Mt. Makiling Centennial Stewardship Campaign.  Ito ay mula sa dalawang salita na “Makiling”, pangalan ng bundok at “Lingap”.  Ito’y isang kampanya na nangangahulugan ng pakikiisa, pagbibigay ng tulong, pagmamahal, pag-aalaga,  at konsiderasyon.

Ang Izusu Philippines ay isa lamang sa higanteng industriya ng sasakyan na matagal nang namamayagpag  sa paanan ng bundok.  Bilang tugon sa kampanya ng MCME, nag-donate ang kumpanya ng P350,000 para sa ilang proyekto ng organisasyon nangangalaga sa kalikasan ayon kay Cereno.

Ang konkretong Education Center building naman sa loob ng Makiling Botanic Gardens (MBC) ay idinonate ng Philippine Tourism Authority (PTA) sa pamamagitan ng Department of Tourism (DOT) na nagkakahalaga ng P20-milyon.

MAKILING BOTANIC GARDENS

Nagsisilbing ‘sactuary’ o bahay ng mahigit sa 2,500 koleksiyon ng species ng mga puno, halaman, bulaklak, mga ibon sa bansa na ang karamihan nito ay wala nang habitat sa Pilipinas.

Isa dito ang puno ng kahoy ng Betis na itinanim noon pang 1914.  Ayon kay Cereno, ang kahoy na ito ang maituturing na pinakamatibay sa lahat ng kahoy,  Ito aniya ay ang pangunahing materyales sa paggawa ng mga barko.  Matibay ito sa tubig-alat at lumulutang.  “Dito kinuha ang pangalan ng bayan ng Betis sa Pampanga.”

RAINFOREST BIODIVERSITY DIORAMA

Sa loob ng Makiling Botanical Garden ay itinayo ang Rainforest Biodiversity Diorama sa pakikipagtulungan ng Smart Communications.  Ito ay replika o museum ng mga yamang-gubat mula sa mga puno hanggang sa pinakamaliit na hayop na matatagpuan sa kagubatan ng bundok Makiling.

Makikita dito ang ‘white Lawa-an tree’, puno ng Mabolo, Jadevine wildflower, ibong Aguila, kwago, at ang baboy-damo na umano’y paboritong laruan ni Mariang Makiling alinsunod sa alamat nito.

Ayon kay Ms. Jocelyn ‘Jojo’ Pineda, SMART-WIRELESS Community Area-Manager, Smart Communications, inabot ng 2 buwan ang konstruksyon at mahigit sa P100,000 ang naturang Diorama at ang guide map upang ma-enjoy ng bawat isa ang pagtuklas sa ganda ng kalikasan.

“Aminado ako na marami  pala kaming dapat malaman. Hindi pala dapat puro tree planting.  Dapat tree growing.  Mahalaga pala ang conservation and maintenance.  Dapat balikan yung mga itinanim dahil marami dito ang napababayaan na.  “We are committed to impart what we learned,” ayon kay Ms. Pineda.

MEDINILLA MAGNIFICA

Ito ang isa sa itinuturing na ‘wild flower’ na matatagpuan sa Mt. Makiling.  Ito’y mas kilala bilang kapa-kapa sa Katagalugan.

Una itong ipinakilala ng botanist na si Lind Lee.  Ito rin ang ginamit na opisyal na ‘emblem’ ng Makiling Botanic Gardens………

Maquiling quest—Mt. Makiling Centennial Adventure Race

INILUNSAD din ng UPLB-MCME ang taunang Maquiling Quest sa Nobyembre 21 kasabay ng Centennial edition ng Mt. Makiling.

Katatampukan ito ng 100 kilometrong adventure racing o mountain biking na magsisismula sa Lima Park, Lipa City sa Batangas.  Dadaan ito sa mga bayan ng Malvar, Tanauan at Sto. Tomas, Batangas, Mt. Makiling at magtatapos sa UPLB campus.

Pangunahing tampok sa ika-100 taon ng proklamasyon ng Mt. Makiling bilang ‘first forst rserve and national mountain park’ sa Pilipinas ang Maquiling Quest.

Bukas ito sa team na dalawahan  at nasa P100,000 ang matatanggap na cash prizes sa ‘top ten finishing teams at sponsors’ gift sertificates at iba pang freebies sa mga lalahok sa paligsahan.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang kay Roberto P. Cereno, MCME Deputy Director at Project Leader. Telefax: 0495363572; mobile# 09189221008; email: r.cereno@gmail.com; Facebook: Mount Makiling Forest Reserve.   Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply