Malacanang suko sa mga Bisaya, badyet nirebyu

TUMIKLOP ang Malakanyang sa pagmamaktol ng mga kongresista kaugnay sa napakababang alokasyon na 7.7 porciento sa kabuuang P1.6 trilyon sa Region 6,7 at 8.

Matapos magmaktol ang mga kongresista mula sa kabisayaan sa pangunguna ni Deputy Speaker Pablo Garcia at ipatigil ang deliberasyon ng badyet sa plenaryo ay agad ipinatawag ng liderato ng Kamara si Budget Secretary Butch Abad.

Halatang naayos ang pagmamaktol ng mga kongresista matapos ang limang oras na close door meeting kasama si Abad at House Speaker Feliciano Belmonte dahil agad binawi ni Garcia ang kaniyang mosyon nang mag-resume ang sesyon.

Kasama sa ipinagmamaktol ng mga kongresista mula sa Visayas na sinuportahan naman ng mga Mindanaoan solons ang lantarang pagpo-post ng kanilang P70 taunang pork barrel sa website at ang napakalaking lump sum sa 2011 General Appropriations Act na tanging ang mga kalihim ng departamento ang may diskresyon

Ngunit hindi ito sapat para sa minorya dahil ipinabubunyag sa plenaryo kung anuman ang naging kasunduan.

” Ang tanong po namin ngayon ay ano ang napagkasunduan o napag-usapan nila ni secretary Abad kahapon para i-withdraw ang motion niya. I think everybody in the House deserves to have an answer in the plenary.  Kasi it was thru formal motion that brought the issue in the plenary and there was a formal withdrawal.  So I think everybody has the right to know kung ano iyon,” giit Assistant Minority Leader Milagros Magsaysay sa Lingguhang Balitaan sa Serye.

Sinabi pa ni Magsaysay na “I found it not in proper dequorum  dahil ginawa nila iyon on the floor, sana kinausap nila ng masinsinan ang speaker upang siyang  tumulong sa kanila para makuha nila ang gusto nila.”  Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply