Malakanyang di apektado ng TRO

KAHIT may “temporary restraining order” (TRO) ang Korte Suprema,  hindi tumitigil ang Malakanyang sa pagtatalaga sa mga puwestong hindi okupado ng Career Executive Service Officers (CESO) kaya’t hindi apektado nito ang maayos na operasyon ng pamahalaan.

Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr., hindi natitinag ang Malakanyang sa ipinalabas na status quo ante  ng Supreme Court kaugnay ng Executive Order No. 2.

Nilinaw ni Ochoa na tanging ang tanggapan  ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang nakapaloob sa TRO ng Kataas-taasang Hukuman at hindi lahat ng “midnight appointments” ng nakaraang gobyerno.

Binigyang-diin ni Ochoa  na hindi maaantala ang operasyon ng gobyerno dahil sa kautusan ng Korte Suprema.

“The TRO was issued only in the case of the National Commission on Muslim Filipinos,” ayon kay Ochoa.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang Supreme Court bilang tugon sa petisyon ni Bai Omera Dianalan-Lucman na itinalagang NCMF commissioner ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong mayroong election ban.  Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply