Malaking ‘suweldo’ sa Senado idinepensa

IPINAGTANGGOL ni Senate President Juan Ponce Enrile ang dambuhalang allowance ng mga opisyal sa Senado na halos kapantay ng kinokubrang suweldo ng mga tauhan ng government-owned and -controlled corporations (GOCCs).

Ayon kay Enrile, nakahanda siyang harapin ang anumang hakbang ng Commission on Audit (COA) hinggil sa naglalakihang allowance ng mga kawani ng Senado.

“I take full responsibility on that. What we did is to equal our allowances to the House of Congress,” ayon kay Enrile.

Ang deklarasyon ng Senate President ay tugon sa ulat na napakalaki ng mga allowance ng mga opisyal ng Senado  kabilang ang mga kasapi ng secretariat, mga direktor at mga pangkaraniwang kawani.

Nang tanungin kung may kinalaman  ang imbestigasyon ng Senado sa mga naglalakihang allowances ng GOCCs, sinabi ni Enrile na sa ngayon hindi niya pa masasabi kung ganoon nga.

Mayroong fiscal autonomy ang Kongreso, Hudikatura at Ehekutibo na nakatakda sa Saligang Batas.

“In fairness to Senator (Panfilo) Lacson, he is very meticulous in handling the Senate funds and he found out that maraming pondo ang Senado kaya ipinamahagi natin ito,” ayon pa kay Enrile.

Sa isang liham na ipinadala naman ni Senate Secretary Emma Lirio-Reyes, sinabi nito na tanggap niya ang imbestigasyon ng COA.

“We fully support the campaign of the Aquino administration and the Senate leadership in pursuing reforms in government, especially the need to rationalize and standardize salaries and allowances of public officials” bahagi naman ng liham ni Lirio-Reyes. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply