Manager ng telecom kinatay

NASAWI sa dami ng saksak ang negosyanteng Chinese na manager at part owner ng Mati Telephone Corporation matapos na salakayin ng mga hindi nakilang lalaki sa loob ng silid nito sa Davao Oriental.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Consuelo Yap Go na hinihinalang nanlaban sa mga sumalakay sa kanyang bahay.

Sa impormasyon, ban-dang alas-11:30 ng umaga ay nadiskubre ni Joselinda Lemente Taraga, kasambahay, ang bangkay ng amo.

Ayon pa sa salaysay  ni Taraga, nakatawag pansin sa kanya na  tanghali na ay hindi pa lumalabas ang biktima sa silid nito kaya pinasya niyang puntahan ito.

Laking gulat niya nang makita ang duguang amo na tadtad ng saksak.

Sa medico legal examination sa St. Camillus Hospital, ang biktima ay namatay sanhi ng pagkaubos ng dugo. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply