Mandaraya ang Talk 100 promo ng Smart Philippines

DINADAYA raw ng Smart Philippines ang kanilang mga kostumer sa promo na Talk 100 na 5 days mong gagamitin.

Ang masakit nito ay  halos dalawang beses ka lang na makatatawag sa lo-ob ng limang araw dahil sa sobrang hirap na makakontak ka sa kanilang network.

Anak ng putatseng uhh, paano aasenso ang bayan kung ‘yung mismong mga namumuhunang kompanya ng Smart Phils ang siyang nanloloko sa kanilang mga subscriber?

Dapat sigurong imbestigahan ng National Telecommunication Commission ang ginagawang ito ng Smart Phils sa mga subscriber nito dahil sa maliwanag na isa itong malaking panloloko.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo sa text message.

Sir Johnny, gusto ko lang po ipaalam sa Smart Philippines na walang kwenta yung Talk 100  na 5 days nila.

Dalawang beses lang ako nakatawag.

Ang hirap kasi  na makakontak sa tinatawagan ko dahil parang naputulan ako ng linya.

Sinubukan kong mag-dial sa extra load ko at nag-ring  naman.

Pero sa Talk 100 na *6400 hindi talaga makakontak.

Pwede ba nating ireklamo sa NTC ito?

Yan lang sir.

SALAMAT !!!

PANAWAGAN NG MGA TAGA-BICUTAN !!!

Bakit hindi raw ginagalaw ng kinauukulan ang nagkalat na mga vendor sa  footbridge  sa Bicutan?

Ano raw ba ang ginagawa ng city government at  mga Barangay ?

Dapat  lang daw na i-deputize na ng pamahalaan  ang mga LGU at Barangay para pangasiwaan ang pagsasaayos ng kapaligiran at hindi magsikip ang footbridge sa sangkaterbang vendor.

Halos hindi na raw madaanan ng mga tao ang nasabing tulay.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply